Ang Pinakamalawak Na Tradisyon Ng Mga Pilipino ; Ang Pagmamano


YAP, ALTHEA DENISE M. 
STEM 11 - IRIS
KOMPAN

Ang pinakamalawak na tradisyon ng mga Pilipino ay ang pagmamano. Ang pagmamano ay nagsimula noong panahon ng mga Prayleng Katoliko na sumakop sa ating bansa. Ang pagmamano ay isang kulturang nakasanayan sa Pilipinas. Ito ay kilala bilang isang paraan ng paggalang sa mga nakakatanda. Ito ay isang tradisyon na nakasanayang ginagawa ng mga Pilipino. Sa paraan ng pagmamano ay nakikita ang pag respeto. Isang magandang pag-uugali nating mga Pilipino ang pagmamano sa mga matatanda. Marami tayong pwedeng gawin upang magpakita ng pagbibigay ng respeto ngunit may nag-iisang paraan o ang ating nakaugalian na pagbibigay ng respeto at ito ay ang pagmamano. 

Ang pagbibigay ng respeto sa mga nakakatanda  ; Pagmamano. Ang pagbibigay ng respeto sa mga nakakatanda o maski sa mga ibang tao ay isang tradisyon na napapasa mula sa sinaunang henerasyon sa henerasyon. Ang pagmamano ay isang napakadisenteng tradisyon na ginagawa sa Pilipinas o ng mga pilipino bilang pagpapakita ng respeto sa mga nakakatanda. ang pagmamano rin ay isang kaugalian nating mga Pilipino na nagpapakita ng malalim na pagpapahalaga sa ating mga nakakatanda. Ito rin ay isang pagbibigay ng respeto at pagpapakumbaba na hanggang ngayon ay pinapatuloy at ipinagyayaman ng henerasyon. Iba pa rin ang presensyang ibinibigay ng pagmamano. At dahil sa kasanayan ng mga pilipino sa pagmamano, nasasabing kapag ikaw ay hindi lumaking sanay na magmano, ikaw ay hindi nagbibigay ng galang sa nakakatanda. Sa pagmamano, maipapakita natin ang ating kagalangan sa ibang tao. Sumisimbolo rin dito kung paano sa atin itinuro ng ating mga magulang ang paggalang sa mga nakakatanda sa paraan ng pagmamano. Ang pagmamano rin ay nagpapakita ng magandang pakikitungo sa mga nakakatanda. Ito ay isang tradisyon o kultura nating mga pilipino na magandang maipagmalaki sa iba. ang pagbibigay respeto na sumasalamin sa ugali ng isang mamamayang Pilipino.

Ang pagmamano ay isang kultura o tradisyon ng mga Pilipino na nagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda. Ito ay ang pagdadala ng likod ng kamay sa noo o ang paghalik sa likod ng kamay ng matatanda habang nakayuko. Ito ay nagsimula noong panahon ng Kolonyal na Espanyol. Ang pagmamano ay mahalaga dahil ito ay ating tradisyon o ating nakaugalian bilang mga Pilipino at sa pagbibigay ng ating galang o respeto sa mga nakakatanda. Ito ay isang tradisyon na masasabi kong dapat pahalagahan pa at ipagtuloy para sa mga susunod na henerasyon. Isinasagawa ito ng isang tao na nagbibigay ng pagbati sa pamamagitan ng pagyuko patungo sa tao o sa nakatatanda at pagkuha nito sa kaniyang kamay at diin nito sa noo.


Comments

Popular posts from this blog

Pagsusuri Sa Pelikulang Napanuod ; Heneral Luna