Pagsusuri Sa Pelikulang Napanuod ; Heneral Luna


- Panimula

Pamagat ng pelikula / dula : Heneral Luna
Direktor / Manunulat : Jerrold Tarog
Petsa ng panunuod : Nov 1 / 2024
Buod / Sinopsis : Si Heneral Luna ( John Arcilla ) , kumander ng rebolusyonaryong hukbo, ay naninira para sa isang labanan. Matapos ang tatlong daang taon ng kolonyal ng mga Espanyol, dapat tiisin ng Pilipinas ang isang bagong dayuhang kapangyarihan : ang Estados Unidos ng Amerika. Nais ni Heneral Luna na ipaglaban ang kalayaan ngunit nais ng mga miyembro ng elite na makipagkasundo sa mga Amerikano. Matindi ang labanan sa bagong gabinete ngunit si Heneral Luna at ang kanyang mga tapat na tauhan ay nagpapatuloy kahit na ang kanyang mga desisyon sa militar ay sinalubong ng pagtutol ng mga sundalo na tapat lamang kay Pangulong Aguinaldo ( Mon Confiado ) . Sa huli , ang maalamat na ugali at pagmamalaki ng heneral ang nagdulot sa kanya sa kamatayan kapag pinaslang siya ng isang grupo ng mga presidential guard sa sikat ng araw. Habang sinisisi ng mga pahayagang Amerikano si Aguinaldo, ang misteryo ng pagpaslang kay Heneral Luna ay hindi kailanman ganap na nalutas at ang kanyang mga pumatay ay hindi nabigyan ng hustisya.

- Pagsusuring Linggwistiko

Ang paggamit ng wika / dayalekto sa pelikulang Heneral Luna ay ang paggamit ng ating sariling wika . Tagalog . Ang pelikulang Heneral Luna ay isang pelikula na nagpapakita ng historya ng Pilipinas kaya ang paggamit ng wika sa pelikulang Heneral Luna ay nakatutok sa mga Pilipinong manunuod. Ito ay upang mapakita ang historya ng Pilipinas at ang ipinapadalang mensahe ng Heneral Luna ng matiwasay at maayos. 

Ang pag lalathala ng salita at ekspresyon sa pelikula ay mahalaga. Sa paggamit ng salita at ekspresyon ay pinapakita ang halaga ng bawat salita at kung paano ito bigyan ng diin.

Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin. Mahalaga ito sa pag-papaunlad ng wika habang ito ay ginagamit 

Ito ay isang sistema na binubuo ng parilala at talasalitaan. Ito ay isinasalita at maaaring pakumpas o pasulat .

- Pagsusuri ng Kulturang Penomenal 

Malalim ang ipinapakita ng tema ng wika sa pelikula. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan sa Wikang Filipino. Ang tema ng wika sa mga pelikula ay nagbibigay ng mahalagang papel sa ating sariling wika. 

Ang pagrepresenta sa kultura ng Pilipinas sa pelikula ay nagbibigay ng daan sa ating mga Pilipino upang maging maalam sa kultura ng Pilipinas lalo na ang mga kabataan. Ang pagpapakita o pag representa sa kultura ng Pilipinas ng pelikulang Heneral Luna ay nagbibigay sa atin ng kaunawaan sa iba-ibang kultura at tradisyon ng Pilipinas. 

Sa pagpapakita at pagbibigay ng pagkakakilanlan ng pelikula ay naipapahiwatig at naipapakita ang ibat ibang lahi at relihiyon sa panig ng Pilipinas. 

Namulat ang kaisipan ng mga kabataan ukol sa pamumuhay ng mga Pilipino noon.

Sa panunuod ng pelikulang Heneral Luna , namumulat ang karamihan sa kultura ng ating bansa. Marami tayong mapupulot na aral sa mga ganitong klaseng pelikula. Hindi lamang sa pag tuklas ng mga kultura ng Pilipinas, pati na rin ang mga rebolusyon na nangyari sa Pilipinas noon. Mahalaga na tayong mga kabataan ay mamulat sa mga pinagdaanan ng ating mga ninuno. Hindi lamang sa pinagdaanan ngunit pati na rin sa ating sariling kultura at tradisyon. 

Yap, Althea Denise M. 
Stem 11 - Iris
Kompan

Comments

Popular posts from this blog

Ang Pinakamalawak Na Tradisyon Ng Mga Pilipino ; Ang Pagmamano